Sunday, February 13, 2011

Poems of love

3 Tula ng Pag-ibig sa Araw ng mga Puso

"Tangang Pag-ibig"

Iniibig kita ngunit may mahal ka ng iba
Ikaw ang mundo ko kahit ako'y 'di nakikita
Nalulunod ang sarili sa labis na pagsinta
Hindi kko alintana ang sinasabi ng iba

Kahit hindi mo pansinin ay ok lang sa akin
Basta't kasal natin ay aking laging pangitain
Sampalin mo ako'y, hihingi pa ng paumanhin
Kahit may mahal ng iba'y 'di ko intindihin.


"Murang Puso"

Halika, bilhin mo ang puso ko
Para sa iyo'y tig tatlong piso
Ngunit may gasgas at 'di na bago
Minsa'y nawasak dahil nabigo

Ngunit kung iyong bilhin ay aking aayusin
Hugasan ng luha upang sugat ay hilumin
Pakintabin ng ngiti'y parang panginoorin
Babalutin pa ng pulang telang mamahalin


"Pangit"

Pangit ka man sa paningin ng iba
'Di ko ito batid pagkat mahal kita
Kamukha mo man ang unggoy at baka
Lahat ng ito'y 'di ko alintana

Mukha mo'y puno ng taghiyawat
Kulay mo ay kulay ng duhat
Ngipi'y sungki sungki't maitim
Ipinaglihi ka yata sa balong malalim

Kasing tangkad mo lang ang unano sa plaza
Mga paa mo'y kasing lapad ng palanggana
Ang lahat ng ito ay walang halaga
Pagkat ako'y kasing pangit mo rin pala

1 comment:

Anonymous said...

It was certainly interesting for me to read this post. Thank you for it. I like such themes and everything that is connected to them. I definitely want to read a bit more on that site soon.

Jenny Trider
indian escorts london